Isabela – Nagbigay na ng paghahanda ang provincial government ng Isabela sa lahat ng ahensya ng gobyerno para sa pagdating ng bagyong rosita.
Ayon sa ibinahaging impormasyon ni ginoong Romy Santos, ang media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na walang mamamangka simula sa araw ng linggo o bukas, magkakaroon narin umano ng preposition ng mga relief goods sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office.
Aniya, magsisismula na rin ang minitoring ng bawat police stations sa mga tulay na madaling mabaha.
Kabilang din ang DepEd na maglabas ng kautusan sa elementary level kung may pasok o wala sa lahat ng pribado at publikong paaralan.
Ibinaba narin sa lahat ng LGU’s ang liquor ban at monitoring sa kanilang mga lugar sa naturang bagyo.
Samantala, umaasa si Governor Faustino “Bojie” Dy III na makiisa ang lahat sa maaring gawin kaagad sa araw ng lunes.