Amain, binaril ang 16-anyos anak habang nagtatalo tungkol sa coronavirus lockdown

ATLANTA, Georgia – Nauwi sa kamatayan ng 16-anyos na lalaki ang pagtatalo sa pagitan nito at ng amain tungkol sa “stay-at-home” order dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa report ng Atlanta police, diumano’y nabaril ni Bernie Hargrove, 42, ang anak-anakan na si De’onte Roberts matapos umalis ang binatilyo sa bahay sa kabila ng ibinabang patakaran.

Sa isang pahayag ni Atlanta Police Officer Steve Avery, kinuwento raw ng ina ng biktima na umaga pa lang ng Miyerkules nang magkaroon ng alitan ang dalawa dahil sa hindi pagsunod ng binatilyo sa mga magulang na manatili lamang sa bahay.


Maya-maya raw ay bumalik sa bahay ang anak at sinipa pa ang pintuan na nauwi sa pisikal na sakitan ng dalawa kung saan nabaril si Roberts.

Dakong alas 8:20 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa tirahan ng naturang pamilya dahil sa barilang naganap.

Agad na isinugod sa ospital ang binatilyo ngunit nasawi kalaunan dahil sa tinapong sugat.

Samantala, pinaratangan naman ang suspek noong Huwebes ng ‘one count of felony murder’ na nkaatakdang humarap sa korte pagsapit ng hapon.

Facebook Comments