Extension ng ECQ, malaking hamon sa PNP

Inamin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na malaking hamon para sa kanila ang 15 araw na Extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, gagawin nila ang lahat para mas maipatupad ang mahigpit na seguridad upang hindi na tumaas pa ang bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19.

Ito ay sa kabila ng patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga pulis na dinadapuan ng COVID 19 na ngayon ay umaabot na sa 78.


Sinabi ni Banac, hindi ito magiging hadlang sa pagtupad nila sa kanilang tungkulin.

Aniya mayroong sapat na kagamitan at suportang medikal ang mga pulis na nakatalaga sa ECQ.

Nagsasagawa din daw sila ng regular rotation of duty sa mga pulis na nakatalaga sa mga ECQ para mabigyan sila ng pagkakataon na mag quarantine at muling mag handa sa susunod na duty.

Facebook Comments