Amang Nanakit ng Minor na Anak, Bagsak sa Kulungan!

46

Naguilian, Isabela – Nakakulong na ngayon ang isang ama matapos na sinaktan nito ang kaniyang anak na menor de edad sa Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PO3 Paulo Ramirez, ang imbestigador ng PNP Naguilian ay sinabi niya na ang ama ay kinilalang si Richard Lopez Suria, 49 anyos, may asawa at isang construction worker.

Aniya, itinawag umano ng isang concerned citizen ang ginawang pagbatok sa ulo at pagpalo ng walis tambo sa paa ng bata na itinago sa pangalang R-R.

Sa pagresponde umano ng grupo ni PO3 Ramirez ay positibong sinabi ng bata ang ginawang pananakit ng kaniyang ama kung saan ay nakita rin ang marka ng palo sa paa ng bata.

Dahil dito ay inaresto si Suria at nang isinagawa ang pagkapkap sa katawan nito ay nakuha mula sa kanang bulsa ng kaniyang short ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drug Act at RA 7610 o Child Abused ang suspek na si Richard Suria.

Facebook Comments