Back Rider na Nasagasaan ng Tricycle-Patay!

174

Echague, Isabela – Patay ang isang back rider matapos na mahulog sa sinasakyang motorsiklo at masagasaan ng kasunod na tricycle pasado alas sais ng hapon, December 29, 2018 sa pambansang lansangan ng Brgy. Maligaya, Echague, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Noel Atencio Millante, 45 anyos, may asawa at residente ng Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.


Habang ang drayber ng traysikel ay si Jonathan Banzal Macarilay , 27 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Salay, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), aksidenteng nahulog sa gitna ng daan ang back rider ng motorsiklo at hindi huminto ang drayber bagkus ay iniwanan na lamang ang biktima sa daan.

Aksidente namang nasagasaan ng kasunod na tricycle ng suspek ang biktima kung saan ay dinala agad sa pagamutan subalit idineklara na itong dead on a rrival.

Nasa himpilan na ng PNP Echague ang suspek habang inihahanda na ang kaukulang kaso nito.

Facebook Comments

From Advertisers