“Amang” napanatili ang lakas habang palapit sa Southern Leyte area

Patuloy na papalapit ang tropical depression Amang sa Southern Leyte area.

Huling namataan ang bagyo sa layong 70 kilometers hilaga ng Surigao City, Surigao del Norte o 70 kilometers east northeast ng Maasin City, Southern Leyte.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kilometers per hour.


Bumagal ang kilos nito sa 10 kph sa direksyong west northwest.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa sumusunod:
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyete
– Eastern Bohol
– Bohol
– Northern Cebu
– Surigao del Norte
– Dinagat Islands

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – magkakaroon na ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Central Visayas at Bicol Region.

Bukas (January 22), asahang mararanasan na rin ang malalakas na pag-ulan sa Catanduanes, Albay Sorsogon at Masbate.

Facebook Comments