Bumagal ang pagkilos ng bagyong Amang habang kasalukuyang nasa baybayin ng Catanduanes.
Sa pinakahuling update ng PAGASA-DOST, napanatili ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa apatnapu’t limang kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa animnapung kilometro kada oras.
Nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang mga lugar sa Luzon.
Kabilang na rito ang:
Catanduanes
Sorsogon
Albay
Camarines Sur
Camarines Norte
Ticao Island
Burias Island
Mga lugar sa eastern portion ng Laguna
Aurora
Quezon
At eastern portion ng Rizal
Inaasahang patuloy na kikilos ang bagyong amang patungong kanlurang bahagi ng bansa pero posibleng humina na bukas at maging isang Low Pressure Area na lamang.
Facebook Comments