Pasay City LGU, tiniyak ang tulong sa PNP para hindi na maulit ang pagtakas ng mga inmate

Tiniyak ni Pasay City Mayor Imelda Rubiano na may sapat na tulong ang mga Philippine National Police (PNP) stations sa kanilang nasasakupan para mapaganda pa ang mga pasilidad.

Ayon sa alkalde, pinatingnan na niya ang mga jail facility ng PNP para hindi na maulit pa ang pagkatakas ng mga inmate.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay nakatakas ang 10 inmates sa Malibay PNP substation matapos na sirain ang kanilang kulungan kung saan naaresto rin ang mga ito.


Siniguro naman ng PNP na hindi na mauulit pa ang nangyaring pagpuga ng mga inmate.

Facebook Comments