Ambag ng POGO sa ekonomiya, walang kwenta dahil sa laki ng problemang dulot nito

Binatikos ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagnanais ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ituloy ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Para kay Drilon, isang kalokohan ang rason ng PAGCOR na mayroong P8 billion naibibigay ang POGO Industry na halos .03 percent lamang ng ating ekonomiya.

Giit ni Drilon, kulang na kulang ang nabanggit na koleksyon kumpara sa perwisyong dulot ng POGO sa bansa at sa mga pilipino.


Tinukoy ni Drilon na grabe ang mga krimen na ibinubunga ng POGO tulad ng prostitusyon, kidnapping, pagpatay at paggamit sa Pilipinas para sa money laudering activities.

Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon ay inamin ng PAGCOR na may 120 non-licensed POGO ang ilegal na nag-ooperate sa bansa.

Sabi naman ng Anti-Money Laundering Council o AMLC, noong 2019 ay may 200 internet-based POGO ang ilegal na nagsasagawa ng online gaming operations.

Facebook Comments