
Nakikidalamhati ang Malacañang sa pagpanaw ni dating House Speaker Jose de Venecia Jr..
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, si De Venecia ay isang lider na may tapang at malasakit sa kaunlaran ng bansa.
Nirirepresenta rin nito ang isang pinunong hindi kontento sa nakasanayan at patuloy na nagsusulong ng mga repormang naglalayong alisin ang mga hadlang sa progreso.
Binigyang-diin din ng Palasyo ang naging ambag ni De Venecia bilang diplomat, negosyante, at mambabatas, mula sa pagsusulong ng kapayapaan, pagbubukas ng oportunidad para sa mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa, hanggang sa pagpapatibay ng mga batas laban sa monopolyo at para sa mas maayos na serbisyong pampubliko.
Facebook Comments










