Iginiit ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hindi na dapat mabigyan ng foreign post si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro matapos ang ginawa nitong pagmaltrato sa kaniyang Pinay na kasambahay na si Leonila De Ocampo.
At kung sakali man na mabigyan muli ng pwesto si Mauro, tiniyak ni Zubiri na hindi nila ito papalusutin sa Commission on Appointments.
Para kay Zubiri, walang anumang katanggap-tanggap na maaaring i-dahilan o ikatwiran si Mauro sa kaniyang ginawa kaya dapat itong maparusahan.
Malinaw para kay Zubiri na nalabag ni Mauro ang Republic Act 6713 o Code of Conduct for Ethical Standards for Public Officials and Employees, Article 266 ng Revised Penal Code o Slight Physical Injury at Kasambahay Law.
Facebook Comments