Ambassador ng United Kingdom, may komento sa war on drugs ng PNP

Manila, Philippines – Iginiit ng PNP na halos katulad sa United kingdom ang paraan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng kampanya kontra iligal na droga.

 

Ito ay matapos na magbigay ng reaksyon ang Ambassador ng United Kingdom na si Asif Ahmad.

 

Aniya, maigting din ang kanilang mga kampanya para labanan ang iligal na droga sa kanilang bansa.

 

Pero ang pagkakaiba nga lamang aniya ng kanilang kampanya kontra droga sa oplan tokhang ng PNP ay itinuturing nila itong health issue.

 

Ayon kay PNP Sr. Supt. Dionardo Carlos na sa panig ng PNP ikinokonsidera rin nila itong health issue at maging paglabag sa umiiral na batas.

 

Sa katunayan aniya sa oplan double barrel reloaded ngayon ng PNP nagsasagawa sila ng revisited sa mga bahay ng mga nasa drug users at offenders para hikayatin ang mga itong magbagong buhay gamit ang mga pasilidad ng gobyerno.

 

Inihalimbawa pa ni Carlos ang ibinibigay na drug rehabilitation program sa mga sumusukong drug offenders na pinamamahalaan mismo ng Department of Health at mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments