AMBULANT VENDORS, HINDI MUNA PINAHIHINTULUTAN NG CALASIAO LGU BILANG ISANG AKSYON SA PAGTAAS NG KASO NG COVID-19

CALASIAO, PANGASINAN – Pansamantala namang pinagbawalan ng lokal na pamahalaan ng Calasiao ang mga ambulant vendors na magtinda sa pamilihang bayan, ito upang mapigilan naman umano ang dumaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa bayan.

Ayon sa LGU, karamihan sa mga ito ay mula sa mga kalapit bayan na kalimitang nakikita at nakapwesto sa gilid ng kalsada o sa labas naman ng palengke nito.

Mahigpit naman ding binabantayan ng otoridad ang itinalagang entry at exit points ng palengke bilang pag siguro na hindi magkakaroon ng kumpulan o siksikan ng tao na pumapasok sa lugar.


Sa bawat papasok na mga residente dito ay tinitignan ang mga quarantine pass na kung saan nakalagay ang araw ng kada barangay na pwede lamang pumasok sa palengke para mamili.

Bukod pa rito, mahigpit ding binabantayan ang bawat negosyante ukol sa kalusugan ng mga ito upang matiyak na ligtas naman ang lahat ng nagtutungo sa lugar mula sa banta ng COVID-19 virus.

Facebook Comments