Camarines Sur – Patay ang tatlong police escort ni Food and Drug Administration Director General Nela Charade Puno habang sugatan ang tatlo pa matapos tambangan ng hindi pa nakikilang mga suspek sa Lupi Camarines Sur.
Ayon kay Region 5 Regional Director Police Chief Supt. Arnel Escobal alas 9:10 ng umaga sakay ng PNP vehicle ang anim na police escort habang binabaybay ang national highway ng Lupi Camarines Sur patungo sa Daet Camarines Norte nang silanay pagbabarilin.
Ang mga ito ay nag-i-escort kay FDA Director General Puno.
Matapos ang pananambang agad na tumakas ang mga suspek at naisugod na sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mga sugatang pulis.
Tinukoy naman ni Escobal na kagagawan ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang nangyaring pananambang dahil maraming NPA aniya sa patungo sa Daet Camarines Norte.
Nagpapatuloy naman ang follow up operation ng PNP sa lugar.