AMBUSH | Palasyo, nakiramay sa pagkamatay ni Rep. Batocabe

Ikinalungkot ng Palasyo ng MalacaƱang ang walang saysay na pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe sa Albay kaninang hapon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sa ngayon ay gumugulong na ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagpatay sa mambabatas at tiniyak nito na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang mapanagot ang mga nasa likod nito.

Sinabi din ni Panelo na nakikiramay sila sa naiwang pamilya, mga mahal sa buhay at mga kaibigan ni Batocabe.


Nakikiisa din aniya sila sa pagdadalamhati ng mga kasamahan ni Batocabe sa Kongreso.

Matatandaan na kanina habang nagpapamigay ng pamasko sa mga senior citizens at mga persons with disability sa Albay ay pinagbabaril si Batocabe at hindi na umabot pang buhay sa ospital.

Facebook Comments