AKO BICOL PARTYLIST REP RODEL BATOCABE – BINARIL PATAY SA ALBAY

BINARIL-PATAY kaninang bandang alas 3 ng hapon si Congressman Rodel Batocabe ng Ako Bicol Party List.
Ayon sa report ng PNP Daraga, naganap ang insidente habang namimigay ng regalo sa mga senior citizens at Persons With disability si Cong. Batocabe sa covered court ng Barangay Burgos sa bayan ng Daraga sa probinsiya ng Albay.
Kasama din sa casualties ang police escort ni Batocabe na kinilalang si SPO1 Orlando Diaz
Dinala pa sa pagamutan ang mga biktima subalit sila ay idineklarang DOA ng mga doctor ng pinagdalhang pagamutan.

Patuloy pang isinasagawa ang imbistigasyon sa krimeng ito. Wala pang malinaw na lead ang pulisya sa identity ng suspect at sa motibo ng nabanggit na pamamaril.

Facebook Comments