AMBUSH | PJA, umapela sa PNP kaugnay ng pagkakapaslang kay Judge Pintac

Manila, Philippines – Umapela na rin kay PNP Chief Oscar Albayalde ang samahan ng mga hukom sa bansa para sa agarang paglutas sa kaso ng pamamaslang kay Ozamis City RTC Executive Judge Edmundo Pintac.

Ayon kay PJA President Felix Reyes, dismayado sila sa nangyari kay Judge Pintac na pinatay ng walang kalaban-laban gayung gumaganap lamang ito sa kanilang sinumpaang tungkulin na itataguyod ang umiiral na batas sa bansa.

Nanawagan din si Reyes sa pamahalaan na magtatag ng isang ahensya na pangangasiwaan ng hudikatura na ang tanging trabaho ay magbigay ng seguridad sa mga hukom sa bansa.


Idinagdag pa ni Reyes na kung mabibigyan lang sana ng security personnel ang mga hukom ay mas malilimitahan ang mga kahalintulad na insidente.

Facebook Comments