BIGO | Azkals talo sa Tajikistan sa semifinals ng Bangabandhu 2018 Gold Cup

Bangladesh – Hindi pinalad na makausad sa title game ng Bangabandhu 2018 Gold Cup sa Bangaladesh ang Philippine Azkals.

Natalo kasi ang koponan sa Tajikistan 2-0 para matapos ang kampanya ng national men’s football team sa Bangladesh.

Umiskor sa 32nd minute si K. Tursonov at dinagdagan ito ni A. Nazarov sa stoppage time para sa final score.


Kahit nabigo sa semis, malaki pa rin ang pasasalamat ng coaching staff ng Azkals dahil malaki ang naitulong ng torneo para sa kanilang paghahanda sa 2019 Asian Cup sa Unite Arab Emirates.

Nakatakdang harapin ng Azkals sa isang international friendly ang Qatar sa Doha sa October 13.

Facebook Comments