AMBUSH | PNP, aminadong may kakulangan sa intelligence gathering sa nangyaring ambush sa CamSur

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na may pagkukulang sa intelligence gathering ang mga pulis sa ambush sa Lupi, Camarines Sur.

Matatandaang nasawi ang tatlong pulis na kinabibilangan nina PO1 Ralph Jason Vida, SPO1 Percival Rafael Jr., PO3 Carlito Navarroza.

Ayon kay PNP Chief Director General, Oscar Albayalde – nagpaabot na sila ng kaunting tulong sa mga naulilang pamilya.


Mamamahagi naman ng drones ang PNP sa mga provincial at regional groups para maiwasan ang ambush lalo na sa mga matataas na lugar.

Inako na ng New People’s Army (NPA) ang pananambang.

Facebook Comments