SWERTE! | Isang taga-Eastern Samar, naiuwi na ang kanyang bahagi matapos manalo sa Ultra Lotto 6/58

Manila, Philippines – Na-‘take home’ na ng isa sa dalawang nanalo ang kalahati ng ₱1.18 billion jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Deputy Spokesperson Florante Solmerin – mula sa Borangan City, Eastern Samar ang winner na nanghiram pa ng pera bilang pamasahe nito para makaluwas ng Maynila para makuha ang kanyang premyo nitong October 16.

Aniya, maiuuwi ng Eastern Samar winner ang ₱472 million check.


Hinihintay pa ng PCSO ang isang pang nanalo ng jackpot prize na tumaya sa Legazpi, Albay.

Bibigyan ito ng isang taon para i-claim ang kanyang prize.

Kapag nabigong makuha ang premyo ay awtomatikong mapupunta ito sa charity fund ng PCSO.

Facebook Comments