Tinambangan ng mga pinaghihinalaang elemento ng New People’s Army ang mga police escorts ni FDA Director General Nela Charade Puno kaninang umaga sa Barangay Napolidan bayan ng Lupi sa Camarines Sur. Naganap ang insidente bandang alas 9:10 ng umaga sa high-way ng Barangay Napolidan sakop ng bayan ng Lupi sa Camarines Sur.
Tatlong pulis ang iniulat na killed in action habang tatlo pa ang mga nasugatan na agad namang dinala sa Bicol Medical Center.
Kinilala ang mga namatay na sina SPO1 Percival S Rafael; PO3 Carlito S Navarroza; at PO1 Ralph Jason D Vida; samantalang ang mga nasugatan ay sina PO1 Jonathan P Perillo; PO1 Ruby S Buena; at PO1 Rodolfo F Gonzaga.
Ayon sa report, more or less 20 mga armadong kalalakihan ang nagpa-ulan ng bala sa PNP Marked vehicle ng mga police na nagsilbing security escorts ni Dir/Gen Puno habang tinatahak nila ang high-way papuntang Daet, Camarines Norte.
Agad namang nakaresponde ang route security personnel galing sa 1st Camarines Sur PPSC kung kaya napigilan ang masamang elemento na madagdagan pa ang casualties and damages.
Nagsagawa rin kaagad ng coordination sa Philippine Army at kasalukuyang nasa joint pursuit operation na ang pinagsamang pwersa ng army at pulis ng Camarines Sur. Dagdag pa rito, nagsagawa rin ng checkpoints sa lahat ng strategic locations ang PNP malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Bumuhos naman ang sari-saring mga komentaryo ng mga netizens sa pangyayari pati na rin sa mga nabiktimang myembro ng kapulisan nang ma-upload sa social media ang tungkol sa nasabing pananambang.
AMBUSH sa CamSur – 3 Pulis Patay, 3 Pa Sugatan
Facebook Comments