AMBUSH | Vice Mayor ng Sapa-Sapa, Tawi-Tawi, patay sa pamamaril; Pulitika, isa sa tinitingnang anggulo

47

Zamboanga City – Patay sa ambush ang vice mayor ng Sapa-Sapa, Tawi-Tawi na si Al-Rashid Mohammad Ali Lipae Sa Governor Alvarez, Zamboanga City.

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Zamboanga Police acting Director Senior Superintendent Alan Nazaro, nagtungo sa isang mall para makipagkita sa mga kaibigan ang bise alkalde.

Habang papauwi ito sakay ng kanyang sasakyan ay huminto ito sa isang intersection ay dito na siya pinagbabaril ng isang gunman saka tumakas gamit ang motorsiklo.

Tatlong tama ng bala sa dibdib at ulo ang tinamo ng biktima.

Inamin ng pamilya ng biktima na nakatatanggap sila ng banta.

Inaalam kung pulitika ang motibo sa pagpaslang.

Ito na ang ikaapat na insidente ng pagpatay sa mga local official sa bansa sa loob lang ng dalawang linggo.

Facebook Comments