American national arestado sa pag-upload ng video ng ka-chatmate

154

Bacolod City – Arestado ng Bacolod NBI ang American national na si Lee David Colglazier, 61 anyos matapos inireklamo ng kanyang ka-chatmate na nag-upload ng kanilang sex video at mga hubad na larawan nito sa internet na walang consent sa kanya.

Ayun sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation Bacolod In-Charge Renoir Baldovino, dalawang taon na sa Pilipinas si Colglazier na may hawak na tourist visa.


Nagkakilala ang suspek at ang complainant sa internet at sa huli, nagkarelasyon.

Ayon sa babae, nagulat na lamang siya na nakita niya sa internet ang kanyang mukha na bida naman sa isang sex video.

Hinuli ang suspek sa kanyang apartment nito sa Barangay Taculing, Bacolod City sa bisa ng warrant of arrest sa kaso na violation of Expanded Trafficking in Persons Act of 2012 at Cyber Crime law.

crime

Facebook Comments

From Advertisers