Operasyon ng 16 na ospital sa U.K, naparalisa matapos ang cyber attack

110

World – Naparalisa angoperasyon ng 16 na ospital sa United Kingdom matapos mabiktima ng cyber-attackdahilan para magshut down ang I.T. systems nito.
 
Ayon sa NHS digital,nagdulot ng kalituhan sa mga nakai-schedule na operasyon at ilang mga aktibidadng mga ospital ang nasabing insidente.
 
Tinukoy rin ng NHSdigital na ang wanna decryptor ay ang virus na ginamit sa nasabing hackingincident.
 
Ang wanna decryptor ayisang malicious software na nagba-block sa mga users na gamitin ang kanilangaccount.
 
Ang nasabing virus aynag-uudyok sa mga users na burahin ang kanilang files maliban na lamang kungmagbabayad sila para muling ma-access ito.
 

Facebook Comments