American pedophile, huli!

Manila, Philippines – Hinarang ng Bureau of Immigration sa NAIA ang isang hinihinalang American pedophile na makikipagkita sana sa mga menor de edad sa Pilipinas.

Kinilala ang suspek na si Robin Hoyt Alderman, 58-anyos.

Dumating sa NAIA 2 si Alderman sakay ng Philippine Airlines mula sa Ho Chi Minh City, Vietnam.


Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, mismong ang US embassy ang nag-timbre sa kanila patungkol sa pakay ni Alderman sa Pilipinas.

Katuwang ng Immigration ang mga tauhan ng women and children protection center ng PNP na siyang may custody ngayon kay Alderman sa Camp Crame.

Facebook Comments