America’s Got Talent Champion na si Jessica Sanchez, inimbitahan ni PBBM na magtanghal sa 2026 ASEAN Summit

Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Filipina singer at America’s Got Talent grand winner na si Jessica Sanchez na magtanghal sa ASEAN Summit na gaganapin sa Pilipinas sa 2026.

Sa courtesy call ng singer sa Malacanang, sinabi ng pangulo na ipinagmamalaki niya ang talento ni Sanchez at naniniwala siyang handa ang Pilipinas na magpakita ng world-class performances sa mga pandaigdigang pagtitipon tulad ng ASEAN Summit.

Samantala, ikinuwento ni First Lady Araneta-Marcos ang karanasan nila sa Cambodia kung saan pinuri ng mga lider ng ASEAN, kabilang ang Prime Minister ng Singapore, ang husay ng mga Pilipino sa musika at kinilala si Sanchez bilang patunay ng world-class Filipino talent.

Kinumpirma rin ni Sanchez na kasalukuyan siyang gumagawa ng bagong album na target ilabas sa unang quarter ng susunod na taon.

Kabilang dito ang mga orihinal na kanta, kolaborasyon sa mga Pilipinong mang-aawit, at isang awiting Tagalog bilang pagbibigay-pugay sa kanyang pinagmulan.

Masaya at excited naman si Jessica Sanchez sa imbitasyon ng Pangulo na magtanghal sa pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN Leaders’ Summit sa Mayo 2026.

Facebook Comments