Amerika at China, nagkasundo na tutulan ang nagpapatuloy na nuclear programs ng North Korea

Nagkasundo ang Estados Unidos at China na tutulan ang nagpapatuloy na nuclear programs ng North Korea.

Ayon kay US National Security Adviser HR Mcmaster – nagtutulungan na sa ngayon ang Washington at Beijing sa kanilang tugon kasunod ng sablay na ballistic missile test ng komunistang bansa.

Mayroon na aniyang international consensus at naniniwalang hindi na maaaring magpatuloy pa ang sitwasyong ito sa Pyongyang.


Gayunman ay binigyang-diin ng Army Lieutenant General na hindi ikinukonsidera ni U.S. President Donald Trump ang military action laban sa Hilagang Korea at naniniwalang resolbahin ito sa mapayapang paraan.

Facebook Comments