Amerika, hindi dapat kasama sa ASEAN Regional Forum dahil ito ang dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga bansa sa Asya

Manila, Philippines – Kung may dapat na hindi kabilang sa ASEAN Regional Forum, ito ay ang Amerika.

Ang reaksyon na ito ay kasunod ng panghihimok ni US Secretary of State Rex Tillerson na huwag isama sa ARF ang North Korea dahil sa patuloy na nuclearization na ginagawa ng nasabing bansa.

Giit ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, ang pampe-pressure na ginagawa ng US department state sa mga miyembro ng ASEAN Regional Forum ay malinaw na ang Amerika ang banta sa pagkamit ng kapayapaan at magandang relasyon ng mga bansa sa Asya.


Sa kabila ng tapos na ang Cold War ay nananatili pa rin ang giyera sa pagitan ng US at North Korea, at nakakalat pa rin ang mga military bases ng Amerika sa Japan, South Korea at sa Pilipinas.

Ang mga ito aniya ang hadlang sa pagkakaroon ng lasting peace sa ASEAN Region dahil sa pagkakawatak-watak na nililikha ng Amerika sa mga bansa sa ASEAN at sa buong Asian region.

Facebook Comments