Hindi isasangkalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Amerika sa oras na lumala ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Pangulong Marcos, masyadong mapanganib ang kaisipang tatakbo agad ang Pilipinas sa US sa oras ng problema.
Hindi aniya ganito ang dapat na gawing paraan para malutas ang problema.
Gagawin aniya ng pamahalaan kung ano ang nararapat at hindi dahil sa utos ng Estados Unidos.
Tiniyak pa ng pangulo na ginagawa ng Pilipinas ang lahat para maiwasan ang mga hindi magandang kaganapan dahil isinasaalan-alang nito ang kapayapaan para sa pambansang interes.
Facebook Comments