PBBM at FL Liza Marcos, pinagpapahinga muna ng doktor matapos makaranas ng flu-like symptoms

Nakararanas ngayon ng flu-like symptoms o trangkaso sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta Marcos, kasunod ng hectic schedule nitong mga nakaraang araw.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), umiinom ng gamot at maraming tubig ang first couple para mapawi ang mga sintomas.

Stable naman daw ang vitals ng pangulo at unang ginang.


Gayunpaman, pinagpapahinga ng doktor ang mag-asawa para sa mabilis nilang paggaling.

Kanselado rin ang lahat ng aktibidad at schedule ng pangulo sa mga susunod na araw.

Kanina ay hindi natuloy ang pagdalo ni Pangulong Marcos sa paglulunsad ng electronic Local Government Unit (LGU) sa Quezon City dahil sa umano’y “urgent matter.”

Facebook Comments