Amerika, inaasahang tutupad pa rin sa treaties sa Pilipinas kahit sino pa ang mahalal na pangulo sa Nobyembre

Positibo si Pangulong Bongbong Marcos na tutupad pa rin ang Estados Unidos sa mga kasunduan nito kahit pa sino ang maupong pangulo ng Amerika.

Sa Nobyembre ay muling magtatapatan sa pagkapangulo sina US President Joe Biden at Donald Trump.

Ayon kay Pangulong Marcos, kung muling mahahalal si Biden at mananatili sa posisyon ng US para sa Pilipinas batay sa kanilang napagkasunduan.


Pero kung mananalo naman si Trump ay inaasahan na nito ang mga pagbabago sa polisiya.

Gayunpaman, naniniwala ang pangulo na mas matimbang sa pulitika ang mga naselyuhang kasunduan ng bansa sa Amerika kung kaya’t inaasahang tutupad ito sa mga kasunduan.

Facebook Comments