Amerika, Japan, At South Korea, Nagkasunda Para Dagdagan Pa Ang Pressure Sa North Korea Kaugnay Sa Nuclear Program Nito

5

JAPAN – Nagkasundo ang Amerika, Japan at South Korea na lalo pang dagdagan ang pressure ng North Korea.Sinabi ni Japanese Vice Foreign Minister Shinsuke Sugiyama, ito ay para puwersahin ang Pyongyang na abandonahin ang nuclear program nito.Kaugnay nito, nakipag-usap na raw siya kina US Deputy Secretary Of State Antony Blinken at South Korean Deputy Foreign Minister Lim Sung-Nam.Nito lamang mga nakaraang buwan, sunod-sunod ang missile at nuclear test ng North Korea na isang paglabag sa resolusyon ng United Nations Security Council.

Facebook Comments