Resulta Ng Drug Test Ni Senator Trillanes, Negatibo Sa Lahat Ng Klase Ng Droga

25

MANILA – Negatibo sa lahat ng uri ng droga si Sen. Antonio Trillanes IV base sa isinagawang drug test ng medical city.Sa isinapublikong kopya ng test result, walang nakitang bakas ng paggamit ng shabu, marijuana, cocaine at iba pang uri ng ipinagbabawal na gamot ang senador.Isinagawa ang pagsusuri noong Oktubre 24, 2016 kasunod na rin ng hamunan nina Trillanes at Davao City Vice Mayor Paulo Duterte.Matatandaang naglabas noon ng pahayag ang presidential son na mayroong senador na gumagamit ng cocaine sa gitna ng pagdidiin kay Duterte sa droga ng self-confessed killer na si Edgar Matobato.

Facebook Comments