Nagdeklara na rin ang Amerika ng public health emergency dahil sa pagkalat ng sakit na 2019 novel corona virus.
Ito ay matapos naitala ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at lokal na otoridad ang ika-pitong kumpirmadong kaso ng nCoV sa North Carolina.
Ang nasabing emergency measure ay inilatag ni U.S. Health and Human Services Secretary Alex Azar.
Haharangin sa mga paliparan ang mga turistang bumisita sa China na papasok sa naturang bansa.
Samantala, sasailalim sa 14-days quarantine ang mga American nationals na nagpunta sa Hubei, China habang ang ibang nagtungo sa iba pang parte ng nasabing bansa ay dadaan sa special health screening sa oras na makabalik ang mga ito sa Amerika.
Facebook Comments