Amerika – Pinaghahandaan na ng Amerika ang “worst case scenario” sa paghagupit ng “hurricane Irma” na umabot na sa category 4 storm.
Ayon sa National Hurricane Center, nasa 660 kilometro silangan ng isla ng Leeward si “Irma” na nagtataglay ng hangin na 220 kph patungong kanluran sa bilis na 20 kph.
Itinuturing na isang classic “cape verde hurricane,” si Irma.
Ang cape verde storms ay madalas na nagtataglay ng malalaki at mas malakas ng hurricanes katulad na lamang ng hurricane Hugo, hurricane Floyd at hurricane Ivan.
Sa ngayon ay nasa state of emergency na ang Florida at Puerto Rico dahil sa inaasahang hagupit ni hurricane Irma.
Facebook Comments