Ikinabahala ng Amerika ang desisyon ng gobyerno ng Pilipinas na ipasara ang ABS-CBN.
Ayon kay State Department Spokeswoman Morgan Ortagus, malaki ang kontribusyon ng free media sa pagpapakalat ng tamang impormasyon kaugnay sa COVID-19.
Hindi rin dapat ito mangyari dahil mahalaga sa isang demokratikong bansa ang katayuan ng media
Nabatid na ang pagpapasara sa ABS-CBN ay kasunod ng pagpapalabas ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN dahil sa napaso nitong prangkisa.
Samantala, isang resolusyon ang inihain ni House Committee on Public Accounts Chairman Mike Defensor kaugnay ng pagpapasara sa ABS-CBN.
Sa ilalim ng House Resolution No. 846, tinatawagang pansin nito ang Kongreso na magsampa ng kaukulang kaso laban kay Solicitor General Jose Calida, NTC Commissioners at ilan pang opisyal.
Dahil aniya ito sa Perjury, Violation of Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at Violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Amerika, nagpahayag ng pagkabahala sa pagsasara ng ABS-CBN
Facebook Comments