Amerika, nakikipag-ugnayan na sa China laban sa paghahasik ng gulo ng North Korea

World – Sinisikap ng Amerika na makipag-usap sa China sa isyu ng paghahasik ng kaguluhan ng North Korea.

Ayon kay US Defense Sec. James Mattis, inutusan siya ni President Donald Trump na makipag-ugnayan kay Chinese President Xi Jinping para sa dagdag na suporta sa panawagan ng US na pagkakaisa ng mga bansa laban sa North Korea.

May kaugnayan pa rin ito sa patuloy na nuclear program ng Pyongyang sa rehiyon na itinuturing nilang “clear and present danger”.


Aniya, kailangan ang diplomatic at economic pressure para mapilitan ang North Korea na abandonahin ang kanilang nuclear test sa rehiyon.

Samantala, nanindigan ang opisyal na nanatiling matatag ang posisyon ng US na dapat ring itigil ng China ang reclamation ng mga man-made islands sa South China Sea.
DZXL558

Facebook Comments