Pamilya ng mga biktima sa nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila, tutulungan ng DSWD

Manila, Philippines – Bibigyan din ng tulong ng Department of Social Welfare and Development ang mga nasugatan at ang mga pamilyang naulila sa Resorts World Manila incident.

Sabi ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo, nagtalaga na siya ng apat na staff mula sa crisis intervention unit para magsagawa ng hospital visits sa San Juan De Dios Hospital, Pasay General Hospital, Villamor Airbase Hospital, at St. Luke’s Medical Center kung saan dinala ang mga nasugatang biktima.

Limang miyembro naman aniya mula sa disaster team and protective services program ang kanyang itinalaga para magsagawa ng assessment sa tatlumput walong katao na nasawi.


Dagdag pa ng kalihim, nakahanda na rin ang DSWD National Capital Region na magbigay ng technical assistance at resource augmentation sa mga pamilya ng mga biktima kung kinakailangan.
DZXL558

Facebook Comments