Amerika, ngapakita ng puwersa kontra North Korea

Amerika – Handa ang Amerika na gamitin ang kanilang pwersa laban sa North Korea.

Ito ang babala ni US President Donald Trump matapos ang patuloy na military action ng North Korea sa east coast.

Ayon kay Pentagon Spokesperson Dana White – mula Guam, tumulak na papuntang eastern section ng North Korea ang mga fighter jet, air-to-air missiles, maging mga surveillance aircraft ng Amerika.


Nagbanta naman ang NoKor na pababagsakin ang mga US aircraft na makikita sa kanilang airspace.

Nitong nakaraang linggo, nagbanta rin ang North Korea sa posibleng pagbagsak ng pinakamalakas na hydrogen bomb sa Pacific Ocean kung saan nakabase ang Amerika.

Facebook Comments