Nanguna ang Amerika sa mga bansang pinakapinagkakatiwalaan ng mga Pilipino.
Batay ito sa survey ng Pulse Asia kung saan 31% ng mga Pilipino ang nagpahayag ng malaking tiwala sa Amerika habang 58% naman ang nagpahayag ng katamtamang tiwala sa Estados Unidos.
Lumalabas sa datos ng survey na nakapagtala ang Amerika ng 89% trust rate rating.
Sumunod naman sa listahan ang Australia na nakapagtala ng 79% trust rating habang 78% naman sa Japan.
Samantala, nangulelat sa survey ang bansang China kung saan halos mahigit tatlo lamang sa bawat sampung Pilipino o katumbas ng 33% ang nagtitiwala rito.
Sinundan naman ito ng Russia na mayroon lamang na 38% trust rating.
Isinagawa ang Pulse Asia survey noong June 24 hanggang June 27 kung saan kinapanayaman ang 1,200 adult Filipinos.