Bilang ng mga estudyanteng nagpa-enroll sa School year 2022-2023, nasa 9.2 milyon na ayon sa DepEd

87

Aabot na sa halos 9.2 milyong estudyante ang nagpa-enroll para sa school year 2022-2023.

Batay ito sa Learning Information System ng Department of Education (DepEd) as of July 29 kung saan nasa 9,192,331 na kabuuang bilang ng enrollees nang magsimulang buksan ito noong Lunes.

Sa naturang bilang, nasa 4.28 milyon dito ang mula sa elementary habang aabot sa 2.97 milyon ang mula sa junior highschool.


Nasa 1.34 milyon naman ang nagpa-enroll sa senior high school at 608,114 ay mula sa kindergarten.

Nanguna ang Calabarzon sa mga rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng mataas na enrollee turnout na nasa halos 1.6 milyong estudyante na sinundan naman ng National Capital Region (NCR) na may 1.39 milyong enrollees.

Magpapatuloy ang enrollment para sa pampublikong paaralan hanggang August 22 kung saan may tatlong pamamaraan upang maisagawa ito katulad ng in-person enrollment, remote enrollment at dropbox enrollment.



Facebook Comments