Sinuportahan ng United States (US) ang Pilipinas kasunod ng ginawang panghaharas ng Chinese Coast Guard sa dalawang bangka ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Ayon kay US State Department Spokesperson Ned Price, hindi dapat nakikialam ang China sa anumang aktibidad ng Pilipinas sa Ayungin Shoal na sakop ng ating exclusive economic zone (EEZ).
Aniya, ang ilegal na hakbang at pananakot sa South China Sea ay banta sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
Iginiit pa ni Price na nakikisa rin sila sa Pilipinas sa pagpapatupad ng rules-based international order.
Tiniyak din ni Price na handang sumaklolo ang Amerika kung may armadong pag-atake sa mga Pinoy vessel sa South China Sea, alinsunod sa Mutual Defense Treaty ng dalawang bansa.
Facebook Comments