Amerikano, arestado matapos murahin ang isang konsehal sa Davao City

66

Manila, Philippines – Arestado ang isang Amerikano matapos na murahin ang isang konsehal sa Davao City.

Kinilala ang dayuhan na si Gary Joseph Maraviglia.

Sumbong ng konsehal na si Al Ryan Alejandre, minura siya ng kano sa loob ng isang mall at pinagbintangan pa na nilitratuhan ang kanyang credit card para gamitin sa iligal na aktibidad.

Hinamon din daw siya ng suntukan.

Pagyayabang ng dayuhan, hindi siya pwedeng arestuhin dahil siya ay isang US citizen.

Si Alejandre ang chairman ng International Relations and Tourism Committee sa Davao City.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa nito laban sa dayuhan.

Facebook Comments