Amerikanong motorista, viral matapos sigawan at murahin si Nebrija

Usap-usapan ngayon ang pakikipagsagutan ng isang Amerikanong driver kay MMDA Traffic Chief Bong Nebrija.

Nabatid noong Biyernes ng umaga ay hinuli ang Amerikano matapos dumaan sa yellow lane sa Boni Avenue.

Dito ay inutusan siya ni Nebrija na lumipat sa private vehicle lane.


Sumunod ang driver pero nang magbaba siya ng bintana ay dito na niya binastos, sinigawan, at minura si Nebrija.

Dahilan ng dayuhan, papunta siya ng ospital.

Sagot ni Nebrija – hindi porke’t dayuhan siya, exempted na sa batas trapiko

Hiningan ni Nebrija ang Amerikano ng lisensya para matiketan, pero nagmatigas ang dayuhan at nagbantang tatawag ng kakilalang opisyal ng gobyerno.

Maliban dito, binantaan din niya ang buhay ni Nebrija.

Inakusahan din ng Amerikano si Nebrija na humihingi ng suhol.

Nang dumating ang mga pulis, dito na napilitan ang dayuhan na ibigay ang kanyang lisensya.

Dahil dito, ipinauubaya na ni Nebrija sa kanilang legal team kung ano pa ang pwedeng ikaso laban sa dayuhang motorista.

Facebook Comments