Amerikanong pedophile, arestado

Naaresto ng Bureau of Immigration ang isang American pedophile na wanted ng mga awtoridad sa Connecticut USA dahil sa child molestation at pagkakasangkot sa child pornography.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente  ang 33-year-old na si Jason Eric Keller ay inaresto ng immigration agents sa loob ng district office ng Bureau of Immigration sa Davao City, nang ito ay mag apply ng extension ng kanyang pananatili bilang turista sa bansa.

Sinabi ni Morante ang dayuhan ay agad na idedeport, dahil  ang kanyang presensya dito ay nagdudulot ng seryosong banta sa mga kabataan. Pagkatapos nito, ay isasama na sa blacklist ang dayuhan  at ipagbawal na muling pumasok sa Pilipinas.


Si Keller ay inisyuhan ng arrest warrant ng US district court sa Connecticut noong nakaraang December dahil sa child molestation  at pagtanggap ng child pornographic materials.

Sinabi ni Morente na noong Abril ngayong taon, hiniling ng US govt ang tulong ng BI sa paghahanap at pag-aresto sa kanya,  dahilan ng pagkakasama sa BI watchlist at pag-sasampa ng deportation charges  laban sa dayuhan bilang isang undocumented at undesirable alien.

Si Keller, na gumamit ng alias ‘Eddie Buttered Toast’ ay huling dumating sa bansa noong February 2017.

Si Keller ay nasa holding facility ng  Bureau of Immigration-Davao habang nakabinbin ang kanyang deportation.

Facebook Comments