Amihan patuloy na nakakaapekto sa Luzon at Visayas

Asahan pa ring makakaapekto sa Luzon at Visayas northeast monsoon o hanging amihan.

Dahil dito, maulap na kalangitan ang iiral na may mahihinang pag-ulan sa Aurora, Quezon, Bicol Region at Eastern Visayas.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng bansa ay maalinsangan ang panahon maliban na sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.


Makakaranas naman ng maulap na kalangitan sa Mindanao na may isolated rainshower.

Samantala, patuloy namang binabantayan ng PAGASA ang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name na ‘Wutip’.

Huli itong namataan sa layong 1,975 kilometro silangan ng Mindanao.

Gayunman, mababa naman ang tyansang pumasok ito sa loob ng PAR.

Facebook Comments