Ilang biktima ng pang-aabuso ng mga pari, pinulong

Kinumpirma US Ambassador to the Vatican Callista Gingrich na pinulong niya ang mga biktima ng mga pang-aabuso ng ilang pari.

Ayon kay Gingrich, mismong si US President Donald Trump ang nagsabing dapat itong seryosohin.

Aniya, ikinalulungkot rin ni Trump ang mga pangyayari.


Kasabay nito, tiniyak ni Gingrich na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga opisyal ng Vatican sa nasabing usapin.

Matatandaang ilang biktima ang nasa Rome ngayon para maglahad ng kanilang karanasan ng pang-aabuso ng mga pari kasabay ng isinasagawang summit sa Vatican City.

Facebook Comments