Manila, Philippines – Inamin ni House Committee Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles na hindi pa malaman kung kailan uusad ang 2019 national budget.
Ang kopya para sa panukalang P3.757 Trillion pesos ay nasa tanggapan na ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ayon kay Nograles, hindi batid kung kailan maisasakatuparan ang seremonya sa pormal na pagpiprisenta ng Department of Budget and Management (DBM) sa panukalang budget sa mga lider ng Kamara.
Aminado din ang kongresista na nangangapa pa siya ngayon kung maitutuloy nya ang target na pag-uumpisa ng budget hearing sa pagpasok ng buwan ng Agosto.
Hindi pa din sigurado kung magkakaroon ng balasahan ng committee chairmanship sa Kamara matapos ang rigodon ng liderato at kung madadamay dito ang pamumuno niya sa House Appropriations Committee.