AMINADO | Department of Agriculture, hindi kayang ibaba ang presyo ng bigas sa bigasang bayan sa gitna ng kawalan ng NFA rice sa merkado

Manila, Philippines – Hindi maipapangako ni Agriculture Secretary Manny Pinol na gawing mas mura pa ang panindang bigas sa mga bigas ng Masa Tienda.

Sa panayam ng Media sa ginawang pagbubukas ng rolling stores sa Barangay Payatas sa QC, sinabi ni Piñol na wala kasing subsidy o pampunong salapi ang gobyerno sa pinagugulong na bigasang Bayan.

Ang bigas ng masa tienda ay may layunin lamang na pag-ugnayin ang mga magsasaka at consumers para direktang ibenta ang kanilang produkto sa mababang halaga.


Malamang aniya malugi ang mga magsasaka kung ipapantay ito sa presyo ng murang NFA rice.

Aniya, fair price na ang 38 pesos per kilo sa Metro Manila na apat na pisong mababa kung ihahambing sa 50 pesos na nabibili sa mga pamilihan.

Ayon pa kay Piñol, unti-unti na rin nilang bubuksan sa bawat rehiyon ang rolling stores.
Isusunod na nila itong pagulungin sa Negros Occidental.

Balak nilang bigyan ng 20 million pesos na kapital ang isang kooperatiba roon na mamimili ng bigas ng mga magsasaka.

Ito ay maliban pa sa 20 million na production loan na maaring mapakinabangan ng mga magsasaka.

Facebook Comments