Manila, Philippines – Aminado si Agriculture Secretary Manny Piñol na pahirapan ang pagkumbinsi sa mga magsasaka na magtanim ng highbreed rice sa halip na tradisyunal na bigas. Sa interview ng RMN kay Piñol, sinabi niyang maraming magsasaka ang nagmamatigas. Mas mura ang tradisyunal na bigas. Pero, paliwanag ng kalihim mas marami naman ang ani at kita sa highbreed rice. Kaya’t kung masusunod ang target na pagtatanim nito sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, mas mabilis na matutugunan ang problema natin sa bigas. Pero sa kabila ng pagsusulong sa highbreed rice, nilinaw ni Piñol na hindi mamahagi ang gobyerno ng libreng mga libreng binhi. Sa halip, ipinapatupad nila ang roll-over system kung saan uutangin ng magsasaka ang binhi at babayaran o papalitan na lang nila ito oras na maka-ani na sila.
AMINADO | Department of Agriculture, hirap kumbinsihin ang mga magsasaka na magtanim ng hybrid rice
Facebook Comments